Ang mga puno't halaman ay dapat lingapin at alagaan
Dahil sila'y lubos na mahalaga para sa kinabukasan natin
Paano na kung paunti unting nasisira ang kapaligiran?
At wala na tayong malanghap na sariwang hangin
Aanhin natin ang maalinsangang hangin at basurang nagkalat sa ating likas na yaman
Na walang magandang dulot sa ating kalusugan at pagkasira ng ating mundo
Ano pa nga ba ang puno't dulo? kung bawat isa sa atin ay walang pakialam
Pero di dapat hayaan magpatuloy ang kamangmangan at kabulagan ng ating kaisipan
Dahil nagiibayo ang panahon tila'y di na ito ang nagdaang kahapon
Malaki na ang sugat natatamo ng ating inang kalikasan
Kung kaya't sa atin bumabalik ang sakuna na di dapat natin sapitin
Dapat isa puso't isip na sila'y bahagi ng buhay na pinagkaloob sa atin
Kaya pagnasasaktan ang ating kapaligiran
kapalit ng luha'y baha na nagmula sa atin kapabayaan
Lalo na sa kasakiman sa yamang mineral sa bawat kabayanan
Na nagbibigay pangamba at sakuna sa biglaang yanig ng ating kalupaan
Kaya itaga natin sa ikabuturan ng ating puso na walang kasalanan ang ating inang kalikasan
Dahil nagmula ito sa kawalan ng disiplina at pagmamahal sa ating kapaligiran
Hindi pa naman huli ang lahat upang lubusan masira ang ating likas na yaman
Na kung saan tayo ang lubos na nakinabang na sana'y marunong tayong tumanaw ng utang na loob^_^
Huwag natin ibaon sa limot na sila'y dapat pahalagahan
Dahil sila ang natatanging kagandahang nilikha ng ating Bathala
Kung saan sila'y biyaya sa atin hindi lamang mapakinabangan
Kundi magturo sa atin ng kagandahang asal gaya ng pagturing sa kapwa natin^_^
⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘⤘
thanks po sa mga readers po^_^
TumugonBurahin